Ads

Magulo na Uli ang Libya

 Magulo na naman ang Libya sa ngayon, maraming oil depo ang binumbahan ng mga rebelde.

Nahirapan na ang mga OFW na makauwi dahil masyado ng magulo. Hindi kasi nila pinapansin ang panawagan ng gobyerno na voluntary repatration. Syempre naman, lalo silang maghihirap sa pinas kung iuwi sila. Kaya pinili nalang nilang manatili muna sa Libya.

Ngayon, hindi na kayang tiisin ang gulo. Sinisisi na naman nila ang gobyerno kasi napakabagal ng ayuda sa kanila. Bakit, namimili ba ang bala na hindi ka tatamaan kasi tutulungan mo ang mga OFW at nagtatrabaho ka sa gobyerno ng Pilipinas.

Dapat kasi nong simula palang imuwi na sila para maiwasan ang hirap ng pagpapauwi sa kanila.

Susunduin sila ngayon ng isang barko na ne rentahan ng Pilipinas sa bansang Malta. Kaso, ma delayed daw ito ng dalawang araw. Lagot na ngayon, kung kailan nagmamadali, saka pa ma delayed.

Ang buhay talaga, napakahirap intindihin! Ingat nalang kayo mga kabayan dyan sa Libya.
Magulo na Uli ang Libya Magulo na Uli ang Libya Reviewed by BROSBLOGGER on 11:02 PM Rating: 5