Ads

Graduating na anak, nagviral dahil sa nakakaantig na mensahe para sa inang OFW


Nag-viral sa social media ang larawan ng isang college graduating student nang kanyang isulat ang kanyang mensahe para sa inang overseas Filipino worker na "Ma, uwi ka na ng Pinas, ako naman magtatrabaho!”, habang ito ay nakalakip sa kanyang graduation pictorial.

Magtatapos ng BS Travel Management sa Our Lady of Fatima University (OLFU) ngayong school year si Minerva Jane Borca bunga umano ng sakripisyo ng kanyang ina sa ibang bansa.



Isinalaysay niya sa kanyang facebook post sa pamamagitan ng makabuluhang pagpapahayag ang sakripisyong pinagdaanan ng kanyang inang OFW makapagtapos lamang siya ng pag-aaral at maibigay ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

“Mabuti pa yung ‘sahod’ buwan buwan umuuwi ng Pinas, ako na naman magcecelebrate ng pasko at bagong taon mag isa, Ne, sobrang nakakapagod dito wala pakong kain nagkape lang ako," ani Minerva sa caption.

Ito umano ay isa sa mga linyahan ng kanyang ina habang malayo sa kanila kung kaya't tinugunan niya ito ng kanyang sagot na pawang puno rin ng damdamin ng isang nangungulilang anak sa ina.

“Linyahang sobrang nagpapabigat ng pakiramdam… linyahang hindi ko dapat indahin yung pagod sa pag aaral. Madaling sabihin, madaling isulat, madaling bigkasin pero napaka imposible. Mas pinipili kong pauwiin siya kesa makatanggap ng ano mang materyal na bagay.”

Si Minerva ay tumayo bilang pangalawang ina sa kanyang mga nakababatang kapatid nang magpasyang magtrabaho ang kanilang ina sa ibang bansa.

“Sa murang edad nagpaka-nanay sa tatlo kong kapatid, dati si mama gumagawa lahat, nung nagdesisyon siyang umalis ako sumalo lahat ng mga gawaing pang nanay. May mga oras na nasasabihan akong “mas mukha ka pang matanda kesa sa nanay mo” “mukha ka nang manang” yung pakiramdam na hindi mo na magawang mag ayos para sa sarili mo kase mas kailangan mong unahin yung mga kapatid mo,” ika niya.

Namulat rin umano siya sa pag-iisip na mas unahin ang kapanan ng kanyang mga kapatid kaysa sa kanyang pansariling kagustuhan tulad ng pagpaparisan ng kanilang ina para mabigyan ng magandang buhay silang magkakapatid.

“Pagka may gusto akong bilhin nagdadalawang isip ako kase dapat pag meron ako meron din sila. Yung realidad na mismo nagbukas sa isip ko na hindi dapat pansariling kagustuhan yung mauuna. Mas komportable ako sa salitang sila muna bago ako. Kung maraming nawala at kulang sakin simula noong mag-abroad siya, alam kong mas marami siyang tiniis at sakripisiyo sa malayong lugar para sa ikagagaan ng buhay namin at para mabigyan niya kami ng sapat na edukasyon,” dagdag pa niya.

Hinikayat rin niya ang katulad niyang may mga magulang na OFW na unawain nila ang sakripisyong ginagawa ng mga ito sa ibang bansa para sa ikagaganda ng kanilang buhay.

Aniya pa ni Minerva ay iniaalay niya ang kanyang pagtatapos sa kanyang ina kaya't hindi niya napigilang magpasalamat sa pamamagitan ng nakakaantig na mensahe habang hawak ang whiteboard at suot ang togang kanilang pinaghirapan ng ina.

Dahil dito ay napukaw rin ang puso ng maraming OFWs sa mensahe ni Minerva at umaasang ganoon rin ang matanggap na pagbabalik-tanaw sa kanila ng kanilang mga anak.

Samantala, lubos naman ang tuwa ng ina ni Minerva kaya't nagpost din ito ng kanyang tugon sa mapagmalasakit na anak at nagpasalamat rin sa taong bayan sa suporta.

"Proud Mommy here... I love you and I miss you so much!!! Congratulations my baby," sabi niya.

"Sa lahat po nang bumati at nag-like, share sa post ng anak kong si Minerva Jane Borca, taos puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat, hindi ko na po kayo iisa-isahin, overwhelmed po lahat ng papuri niyo, maraming salamat po! Proud to be an OFW mom," dagdag niya.
Graduating na anak, nagviral dahil sa nakakaantig na mensahe para sa inang OFW Graduating na anak, nagviral dahil sa nakakaantig na mensahe para sa inang OFW Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 9:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD