Inabusong Pinay domestic helper, nakaligtas at nakauwi na ng Pinas
Ligtas na nakauwi sa Pilipinas at nasa kanlungan na ng
kanyang tatlong anak ang isang Pinay domestic helper na di umano'y sinaktan,
ginutom at nakaranas ng sekswal na pang-momolestiya ng mga mapang abusong amo
sa Jeddah, Saudi Arabia.
Ang biktima na si Annie, hindi niya totoong pangalan, ay
nakipagsapalaran umano sa ibang bansa para sa Php18,000 na pasahod para sa
ikabubuhay ng mga anak sa Pilipinas.
Credit Image: Internet image for illustration only
Emosyonal niyang ibinahagi sa GMA news na dalawang beses na
umano siyang muntikang pagsamantalahan ng kanyang among Arabo.
"Bigla lang nandiyan na sa likod ko...niyakap niya ako
na mahigpit, eh lumaban din ako. Ma-ano siya...lalaki siya, eh babae po ako.
Malaki 'yung amo ko. Lumaban talaga ako, sinisipa-sipa ko siya," ika niya.
Agad naman siyang dumulog sa kanyang recruitment agency at
ibinilin umano na huminto na siya sa pagtatrabaho roon.
Nalaman ng babaeng amo na nagsampa siya ng reklamo sa
kinakasama nito na siya namang ikinagalit at umabot pa umano sa pisikalan.
"Sinaktan ako, pinatayo ako, walang kain tapos hindi
ako pinatulog ng dalawang araw, hindi pinakain," sabi niya.
Aniya pa ni Annie, inamin niyang nanlaban din siya para
depensahan ang kanyang sarili dahil inatake rin siya umano ng kanyang lalakeng
amo.
"Nagulat po ako, sinipa ko siya na banda siya, 'yun
talaga nahubadan talaga niya ako, naghawak na talaga ako ng kutsilyo, sabi ko
'lumapit ka, kasi papatayin kita'."
Upang tuluyang makaligtas, nag-post siya sa social media
site na facebook na umano'y nanghihingi siya ng tulong na makawala sa kalupitan
ng kanyang mga amo.
Agad naman itong napagtuunan ng pansin ng mga labor
officials at agad din siyang nailigtas sa kanyang mga amo.
Kamakailan ay nakauwi na siya sa Pilipinas at pinangakuan ng
livelihood assistance at skills training ng Overseas Welfare Workers'
Administration (OWWA).
Ayon kay OWWA adminstrator Hans Cacdac, "Posibleng
ma-blacklist 'yung employer."
Dagdag pa ni Cacdac ay isasama nila sa imbestigasyon ang
recruitment agency ng Pinay domestic helper.
Inabusong Pinay domestic helper, nakaligtas at nakauwi na ng Pinas
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
8:44 AM
Rating:
Post a Comment