Mahigpit na screening para sa mga OFWs na paalis ng bansa, ipatutupad ng BI
Magpapatupad ng isang mahigpit na ordinansa ang Bureau of
Immigration (BI) tungkol sa istriktong pagkilatis ng pagkakakilanlan ng mga
paalis na Overseas Filipino workers sa Ninoy Aquino International Airport
(NAIA) upang malaman kung ito'y karapat-dapat magtrabaho sa ibang bansa.
Nagpahayag umano ng direksyon ang Commissioner ng kawani na
si Jaime Morente sa
BI Port Operations Division na magsagawa ng 'strict
screening' ang mga alert personnels sa kanilang immigration booths para sa mga
OFWs na paalis ng bansa.
Layon nitong alamin kung ang isang OFW ay nasa tamang edad
at kung ito ay 'eligible for overseas deployment.'
Ayon kay Morente, dumarami na umano ang mga sindikatong ahensya
na gumagawa ng ilegal na pangangalakal ng tao (human trafficking) kung saan
tumatanggap sila ng mga underage na Filipino, partikular na umano ang mga
babae.
Madali rin umano makalusot ang mga ito dahil sa mga
makatotohanan nitong mga dokumento kung kaya't dinoble nila ang paraan ng
pagkilatis bago pa man makalabas ng bansa.
Dagdag pa ni Morente, iniutos niya na rin sa namumuno sa BI
Port Operations Division na si Grifton Medina na magpatupad ang mga tauhan nito
ng pre-screening sa mga OFWs upang matyagan ang mga sa tingin nila'y minor pa
lamang at umaaktong nasa edad na.
“Otherwise, in cases of doubt, our officers are instructed
to refer these passengers to our Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) for
secondary inspection,” ika niya.
Ang wastong edad din umano para sa isang trabahador na
kasambahay ay dalawampu't tatlong gulang (23y/o) na isang requirement sa mga
OFWs.
Nagsimula umano ang kanilang paghihigpit dahil sa
insidenteng nangyari nitong Marso 13 nang maharang ng BI officers ang isang dalawampu't
isang taong (21y/o) dalaga na umano'y papunta na ng Riyadh, Saudi Arabia para
magtrabaho bilang kasambahay.
Ayon kay Glenn Ford Comia, head supervisor ng BI-TCEU NAIA
Terminal 1, na-admit sa questioning ang dalaga dahil napansin nila na dalawampu't
limang taong gulang (25y/o) ito sa kanyang passport samantalang taong 1995 ang
nakasulat sa kanyang pagkapanganak na nangangahulugang siya ay nasa bente uno
(21y/o) anyos lamang.
“She said that she only learned that her date of birth was
changed when she received her travel documents from her recruiter on the day of
her flight,” sabi niya.
Sa pagkakataong ito ay naghinala na sila sa dokumentong
hawak ng dalaga kaya't agad nila itong isinangguni sa Inter-Agency Council
Against Trafficking (IACAT) ng tanggapan upang maimbestigahan ang tunay na
estado nito.
Samantala, inihayag din ng BI na noong nakaraang taon ay
mahigit isang daang menor de edad ang kanilang naharang sa paliparan na lahat
umano ay may 'falsified birth dates' kahit kumpleto ng mga valid requirements
tulad ng valid overseas employment permits, working visas at job contracts.
Mahigpit na screening para sa mga OFWs na paalis ng bansa, ipatutupad ng BI
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
8:34 AM
Rating:

Post a Comment