MOTORSIKLO
Story of Mark Mallari
Magandang umaga sa mga ka peso group. Nais ko lang po sana i share ang karanasan namin ng misis ko. 16yrs na kami ng misis ko. 2001 19 palang ako nung kinasal kami at kasalukuyang nagaaral. 2nd yr college ako noong nag stop ako sa pagaaral dahil ayaw kong maging pabigat sa magulang ko. Kaya nagplano kami ng misis ko na hindi muna kami magbaby.
Nagtrabaho ako sa jollibee as kitchen fryman at that time minimum ko is 203.50 lang at yun lang ang pinagkakasya namin sa araw araw na pangangailangan namin. Minsan itlog at tuyo lang ulam namin para makaraos. Sabi ko sa misis ko after ng contrata ko maghahanap ako ng ibang mapapasukan para naman mas tumaas ang income namin. So after 6months nagtrabaho ako sa SM appliance center as checker at sa wakas tumaas naman per day ko naging 213.50 na. Ayaw namin kc ng utang ng misis ko kaya kung ano ang kinikita sa isang araw yun lang ang pagkakasyahin sa buong maghapon. Yung 10pesos ay tinatabi namin ng magasawa hanggang matapos ang kontrata ko sa SM. After 6months kung hindi ako nagkakamali year 2003 yun ng nagdesisyon kami ng misis ko na kumuha ng motor pampasada gamit ang ipon namin.
Nakapag down kami ng motor ng worth 1,400 3yrs to pay sa kasa. Mas maganda pala ang walang boss dahil sarili mo ang oras. Sa pamamasada kumikita na ako ng 500 a day at yung 120 ay tinatabi namin para sa buwanang pambayad ng motor. Sa kabutihang palad dun na dumating ang unang anghel namin na nagpalakas din ng loob ko na kumayod ng husto. After 3yrs salamat sa Diyos at natapos na naming hulugan ang motor. So patuloy parin kami nagtatabi ng misis ko ng 120 a day. Taong 2006 ng mamaalam ang tatay ko dahil sa stroke na kasalukuyang may tindahan at bakery na naiwan at may utang pa sa mga LPG. Nagdedisyon kami ng misis ko na hawakan ang naiwang negosyo ng tatay ko. Habang pumapasada ako kumuha kami ng isang boy sa agency para makatulog ko sa pagbabake sa bakery.
Buti nalang ay naiwan ng tatay ko ang mga recipe sa bakery na yun ang iponagpatuloy ko. Kokonti ang laman ng tindahan pero hindi namin naisipan ng misis ko na kumuha sa mga lending. Ang ginawa lang namin ay pinaikot ang paninda at hanggang sa taong 2008 ay nabayaran namin ang utang ng naiwan ng tatay ko sa LPG. Nakaipon din kami ng misis ko para pambili ng segunda manong sasakyan sa halagang 70k. 2008 din nung tumaas na ang bilihin lalu na ang arina at mga sangkap ng bakery kaya napilitan kong pumunta sa saudi para mas maibigay ko ang pangangailangan sa pamilya. May 2 na kase akong anak at kailangan ko ng kumayod ng mabuti. Pangarap na namin ng misis ko na makapundar ng sariling bahay dahil nangungupahan lang kmi ng misis ko mula ng nagabroad ako. Sa isang taon na pamamalagi ko sa saudi naramdaman ko na parang parehas lang ang kinikita ko sa pinas at sa saudi kaya nagdesisyon ako na umuwi nalang ng pinas dahil sayang ang panahon ko sa saudi.
2010 ng umuwi ako galing saudi at bumalik sa pamamasada. Pagkatapos ng ilang buwan napagisip isip ko na magpunta ng poea para magbaka sakali na magapply ulit. Sakto na may exam sa korea ng november 2010. Nagaral ako ng korean language ng isang buwan bago ang exam at sa kabutihang palad naipasa ko ang exam sa korea at nung june 2011 nakaalis ako papuntang korea as machine operator. Ang pangarap ay pangarap pinilit naming magipon ng misis ko para makapundar ng bahay at lupa. Sa 5yrs na kontrata ko sa korea hindi kami naging maluho sa sarili namin at hindi namin naisipang kumuha ng bahay sa pagibig kasi 5yrs lang ang kontrata ko sa korea. E ang sa pagibig na pabahay ay 30yrs.
Matapos ang kontrata ko ng 5taon april 2016. Nagdesisyon kami na bumili ng bahay at pinaayos nalang namin. Sa ngayon wala na kaming inuupahang bahay dahil sarili na namin ang tinitirhan namin. Masarap sa pakiramdam ang may naipundar ka db? Ngayong March 2017 naman nagkasakit ako at nahospital ng 1 buwan at 12days sa ICU. wala akong magawa dahil bumagsak ang immune system ko. Sa tulong ng kaibigan at mga kamaganak nairaos namin ang pangangailangan sa hospital. Ngayon nagpapagaling na ako at sabi ng doctor ko na isang taon para sa pagrecover ng katawan ko. Sa tulong ng panalangin ng malapit sa amin at panalangin namin bumibilis ang aking pag recover. Dahil sa wala akong magawa para makapagtrabahong muli.
Nagdesisyon ang misis ko na magtinda ng siomai, popcorn at turon sa harap ng bahay para sa araw araw naming pangangailangan. Sa tulong ng Diyos kumikita naman ang misis ko sa pagssiomai ng 500-1000. Sa 2weeks na pagtitinda nya ay nailabas na nya ang puhunan at kasalukuyan naming pinapaikot at tubo hanggang lumaki ng lumaki at makaipong muli para sa agarang paglakas ko at napagdesisyunan namin na magpagawa ng motor na may sidecar para sa siomai at makapagikot sa mga matataong lugar kapag ako ay malakas na.
Ang aral mga ka peso.. kahit na anong hirap na pagdaanan sa buhay huwag titigil na mangarap at panggigilan na makuha ito. May hadlang man o wala kailangan iisa lang ang direksyon para maabot ang pangarap na ito. Salamat kahit papano may maitulong ako sa inyo para maabot nyo rin ang mga pangarap sa buhay... Rey Mallari

Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
8:28 AM
Rating:
Post a Comment