Ads

Kawawang DH Sa Saudi

Hindi naman ganito lahat sa Saudi pero karamihan talagang ganito. Lalo na kung hindi naman may kaya ang pamilya. Nakakaawa ang mga OFW na napunta sa Middle East, lalo na sa Saudi dahil karamihan ng mga Arabong hindi mayaman, balasubas kung umasta sa kanilang mga katulong. 

Nagtrabaho din ako bilang head ng mga katulong na lalaki sa isang palasyo sa Riyadh pero napakabait ng mga amo namin. Hindi sina nang-uutos na walang PLEASE sa umpisa at hindi matatapos ang ininutos nila sayo na walang THANK YOU. Kung sino pa yong sobrang yaman, sila pa yong nagpakumbaba sa mga katulong nila. Sa kanila ko naranasan ang magandang trabaho at pati na rin oras ng trabaho. 

Kung walang ginagawa, sa staff lounge lang kami nakatambay, nag-aantay ng utos ng amo at mga anak nito. Libre ka ding matulog basta siguraduhin mo lang magigising ka sa tunog ng telepono o ng iyong cellphone. Napakabait ng pamilyang yon at wala akong masasabi tungkol sa kanila. Nakakaipon din ako habang nagtatrabaho sa palasyo. Bihira ang among ganun ka bait pero wala akong magagawa, kailangan kung umuwi at dito nalang sa Pinas magnenegosyo dahil sa pamilya ko. Mahirap mawalay sa pamilya lalo na kung papalaki na ang anak mo. 

Aanhin mo ang maraming pera kung malayo naman sa loob nila ang iyong pagkatao. Oo, nabibigay mo ang gusto nila pero hindi yon magbibigay ng totoong kaligayahan. Ang oras at ang pagsasama nyo bilang pamilya ang hindi nila makakalimutan.


Kawawang DH Sa Saudi Kawawang DH Sa Saudi Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 7:12 AM Rating: 5

No comments

Post AD