Ads

Salamat sa Biyaya

Maraming Nanay ang nagsakripisyo para sa kanilang mga anak at sa pamilya. Hindi alintana ang hirap ng kanilang pinagdaanan. Mas inalagaan nilang mabuti ang kanilang mga alaga kay sa kanilang mga anak. Mahirap sa isang ina ang mawalay sa anak pero ginagawa nila ang pagtatrabaho sa ibang lugar ito'y dahil gusto nilang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang mga anak kahit ang kapalit naman nito'y malayo sa kanila ng ilang araw, buwan o taon. 

Masakit isipin maraming mga anak ang hindi nakakaintindi at minsan laging pansariling kapakanan lamang ang iniisip. Hindi iniisip ang hirap na dinanas ng kanila ina sa ibang lugar o sa ibang bansa. Sana matauhan na ang lahat na hindi ginusto ng kanilang mga ina ang mawalay sa kanila. Ito'y dala lang sa matinding pangangailangan na dapat ang mga magulang ay magtulungan para mataguyod ang pangangailangan ng mga anak. Sana sa videong ito maintindihan ng mga anak ang hirap na dinanas ng kanilang ina at magulang na lumayo sa kanila para lang maibigay ang magandang kinabukasan.
Salamat sa Biyaya Salamat sa Biyaya Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 8:29 AM Rating: 5

No comments

Post AD