MY JOURNEY
Hindi madali sa isang tulad ko na matutong kumita o maghanap ng pagkakitaan sa internet. Alam nyo po kung bakit? Dahil hindi po ako nakapagtapos ng computer related courses o kahit basic sa IT man lang. Pero hindi yon ang tanging hadlang para magkaroon ng pagkakakitaan sa internet. Nagtapos nga ako ng college di ko alam pano gagamitin ang computer. Nakahawak lang ako ng isang desktop nong nagtrabaho na ako sa isang companya dahil tinuruan kami ng management. Hindi ako nagtagal sa una kung trabaho. Umabot lamang ito ng 6 years at na bored na ako. Kahit ayaw ng management pati manager ko na mag voluntary resigned ako pero ginawa ko parin. Pakiramdam ko, parang nakulong lang ako sa isang kwarto na merong nakahawak lagi sa aking leeg.
Nagdecide akong mag resigned kahit wala akong natatanggap na lenght of service kasi private at voluntary daw ang pag-alis ko. Kahit wala silang pabaon sakin umalis pa rin ako kasi naging routine nalang para sa akin ang aking trabaho. Pumasok ako sa isang networking company at nag enjoy naman ako. Umabot ng 3 years ang pananatili ko sa companyang iyon at nong nagsawa na din huminto at nagdecide na mag traditional business nalang. Umabot din ako ng halos 8 years sa traditional business. Hindi ako nagsasawa at mas lalo akong nag enjoy. Habang nagtraditional business, nag-aaral din ako ng BS Entrepreneurship para maisapuso ko ang aking ginagawa. Lumago ang aking negosyo hanggang, nagkaroon ng sakit ang mother ko. Dahil mahal ko ang mama ko, ginawa ko halos lahat para gumaling sya, ang ginagastos ay galing sa negosyo ko. Hanggang hindi na talaga makayanan ng mama ko at pumanaw sya. Hindi pa ako satisfied sa 7 days na burol kasi gusto ko pang makasama ang mama ko, pina extend ko ito ng another 7 days at nagiging 14 days na. Dahil hirap din sa buhay mga kapatid kaya inako ko na lahat na gastos hanggang sa pagpapalibing.
Nagpahinga kunti at bumalik sa negosyo ko. Doon ko namalayan na palubog na pala ang business ko dahil ginastos ko na lahat during sa burol ng mama ko. Hindi naman ako nagsisi dahil para din naman sa mama ko yon. Dahil nahihirapan na akong bumangon, nagdesisyon akong mag abroad. Bininta ko ang pwede ibinta para panggastos ko sa Manila habang nag-aantay sa aking employer. Di naman ako nagtagal sa Manila at nakaalis din ako for Saudi Arabia. Good thing, na hired ako bilang Housekeeping Supervisor sa isang 5 star hotel doon.
ITUTULOY......
ITUTULOY......
MY JOURNEY
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
7:13 AM
Rating:
Post a Comment