163 tripulanteng Pinoy, ligtas sa stranded na cruise ship sa Norway ayon sa DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na
nakaligtas ang 163 na tripulanteng Pinoy sa Viking Sky cruise ship na
na-stranded sa baybayin ng Western Norway nitong sabado ng hapon.
Ayon sa impormasyong pinahayag ng ahensya ay nasa apat
naraan mahigit (458) ang trabante sa nasabing barko at lahat ng Filipinong
tripulanteng nandoon ay nakaligtas.
"There are no Filipino passengers on board the
ship," kumpirma ng DFA.
Mamataang 1,300 pasahero ang sakay ng nasabing cruise kung
saan siyam na raan mahigit (915) ang pasahero na pawang mga Amerikano at
British.
Ang Sky Viking cruise ship ay naglayag ng alas dos (2pm) ng
sabado papuntang Hustadvika sa labas ng Fræna na tabi ng More coast.
Ayon sa Joint Rescue and Coordination Center ng Southern
Norway, nagpadala umano ng emergency message sa kanila ang mga opisyal ng
nasabing barko na nagkaroon umano ng
"engine problems due to bad weather."
"The vessel is in rough seas in the Hustadvika area on
the western coast of Norway and rescuers are facing waves of about 6-8 meters
(roughly 19-26 feet) high," Borghild Eldoen, spokeswoman ng Joint Rescue Center
Dagdag pa dito, inaasahan pa umanong tumama ito sa baybayin
ng More sa Western Norway.
Nagpaabot naman sila ng agarang aksyon sa pamamagitan ng
pagpapadala ng limang helicopters para mapabilis ang kanilang search and rescue
operations at ma-evacuate ang mga pasahero.
Ayon pa kay Eldoen, napadali ang evacuation ng mga pasahero dahil
umano'y nagtulong-tulong ang mga crew ng barko at kalmado ang mga pasaherong
isinasakay sa helicopter.
Sinabi naman ng DFA na ang mga Filipino crew ang isa sa
tumulong sa mabilis na search and rescue ng mga pasahero.
Umabot naman ng bente kwarto (24) oras ang nangyaring
operasyon.
Ang mga pasaherong nakasama sa evacuation ay nilaanan din ng
sapat na pagkain at inumin.
Ang matatandang pasahero naman na nakaligtas ay diniretso sa
hotel sa Molde.
May naitalang ilang mga nasaktan at wala namang nasawi sa
naganap na insidente.
Sa ngayon ay tuloy pa rin ang monitoring ng DFA at Southern
Norway rescue center sa nasabing cruise.
Ayon sa website ng Viking Sky ship, na pagmamay-ari ng
Viking Ocean Cruises, ito ay ginawa noong 2017 na may estima na 930 pasahero
ang maaaring umokupa rito.
163 tripulanteng Pinoy, ligtas sa stranded na cruise ship sa Norway ayon sa DFA
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
8:40 AM
Rating:

Post a Comment