Online appointment, mahigpit na pinatutupad ng POEA sa mga nais magtrabaho abroad
Sa pinalabas na tagubilin ng Philippine Overseas Employment
Administration (POEA) noong Martes, nakatala dito na mahigpit nang pinapatupad
ang online appointment scheme sa mga aplikanteng nagnanais magtrabaho abroad.
Ayon sa ahensya, hindi nila tatanggapin at hindi
magkaka-record ang mga overseas applicants na walang online appointment sa
kanilang tanggapan.
Sinabi ng pangulo ng POEA na si Bernard Olalia na simula
Marso 12, 2019 ay maghihigpit na ang pagpapatupad sa overseas Filipino workers
(OFW) Record Online Appointment System (OROAS).
Ayon sa direksyon na pinalabas ng POEA, kailangang mag-set
ng appointment ng mga OFW sa OROAS bago asikasuhin ng kanilang tauhan.
Credit Image: https://news.abs-cbn.com/news/09/28/18/recruitment-agency-suspended-by-poea-raided-for-continuing-to-operate
Ito raw umano ay paraan upang mabawasan na rin ang mahabang
pila sa kanilang tanggapan.
Dagdag pa niya ay hindi na rin sila tatanggap ng mga walk-in
applicants, bukod sa mga household service workers o mas kilala bilang mga
domestic helpers.
Aniya ni Olalia, hindi matuwid sa mga nag-set ng online
appointment kung magtatanggap sila ng mga walk-in applicants.
"The accommodation of walk-in applicants who come to
POEA has prejudiced those who want to get an appointment in the morning using
OROAS," sabi niya.
"A majority of those who walk in without an appointment
are applicants for household service workers," dagdag pa ni Olalia.
Nagpaalala naman si Olalia na maaring mag-set ng online
appointment mula Lunes hanggang Biyernes, bukod sa holiday.
Ininganyo naman niya ang mga OFWs at recruitment agencies na
gamitin ang bagong sistemang pinapatupad ng ahensya.
Noong December 2018 sinimulang ipatupad ng POEA ang partial
implementation ng oras ng appointment system na umani naman ng positibong
feedback sa mga aplikante.
Ang OROAS ay maaring ma-access sa
www.ofwrecords.poea.gov.ph.
Online appointment, mahigpit na pinatutupad ng POEA sa mga nais magtrabaho abroad
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
9:36 AM
Rating:

Post a Comment