Pinay sa Saudi na naglagay ng ihi sa inumin ng amo, inabisuhan ng labor office
Isang Pilipina sa Saudi ang nasisante sa trabaho matapos
niyang haluan ng kanyang ihi ang inumin ng kanyang amo upang umano'y umamo ito
sa kanya, umalma naman ang Philippine Overseas Labor office (POLO) at
inabisuhan siya sa maling ginawa.
“Lesson learned ito sa ating mga kababayan, na kahit anuman
ang galit nila sa amo nito, iparating lang sa amin, at kami na ang
mag-aayos," ani Labor Attaché Nasser Munder.
Inamin ng 40 taong gulang na Pinay na si alyas Armida sa
labor department ang ginawa dahil sa umano'y babait ang amo kapag nakainom ito
ng kaniyang ihi.
“May nagsabi kasi sa akin na para bumait daw sila, kaya
binigyan ko lang naman ng konti,” sabi niya.
Ayon sa kanyang amo na mismong sumangguni sa tanggapan,
naghinala umano siya nang mangamoy ihi ang iniinom na tubig.
Dagdag pa nito ay nung una ay todo tanggi si Armida sa
ginawa ngunit nang kanyang ipinasuri sa isang espesyalista ang tubig at
nakumpirma nito na may hinalo ngang ihi, ang Pinay ay napaamin na rin ito.
Sa sobrang galit niya ay ipinainom pa kay Armida ang tubig
na nilagyan niya ng ihi.
Ipinagbigay-alam niya na rin sa agency na pinagmulan ni
Armida ang ginawa nito.
Inabisuhan naman ng POLO si Armida na sumangguni agad sa
kanilang tanggapan kung may mga daing sa amo at huwag gumawa ng mga bagay na
hindi mabuti kahit ano pa ang galit sa amo.
"Puwede naming pag-usapan kung ano ang inyong
idinadaing sa inyong sponsor. Magpasalamat siya at hindi kinasuhan ng kaniyang
sponsor,” sabi ni Munder.
Magtatatlong-buwan pa lamang si Armida sa naturang amo at
kanya umanong pinagsisihan ang kaniyang nagawa.
“Hinding-hindi na po. Akala ko makakabuti iyon sa akin,”
sabi niya.
Sa ngayon ay inaasikaso na ng POLO-Overseas Workers Welfare
Administration at ng kaniyang agency ang mga papeles para sa kanyang paguwi
pabalik sa bansa.
Bukal naman sa kanyang loob ang pag uwi at sinabing aalagaan
na lamang niya ang tatlong anak.
Pinay sa Saudi na naglagay ng ihi sa inumin ng amo, inabisuhan ng labor office
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
9:43 AM
Rating:

Post a Comment