7 seamen na nakulong sa Libya, Uuwi na ng Bansa
Matapos ang dalawang taong pagkakakulong sa Libya,
napawalang sala na ang pitong seamen na umano'y sangkot sa oil smuggling at
ngayo'y pauwi na ng bansa ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Kamakailan (March 5, 2019) ay naglabas ng 'release order'
ang pamahalaan ng Libya sa pitong mandaragat at agad naman itong binigyang
pansin ng DFA.
Credit Image: https://www.premiumtimesng.com/foreign/africa/302814-five-die-in-suicide-attack-on-libyan-foreign-ministry.html
Ayon kay DFA Secretary Teodoro "Teddy" Locsin Jr.,
mainit ang kanilang pagtanggap sa kautusan ng mataas na hukuman ng Libya, kung
kaya't iniutos niya sa kinatawan ng ahensya sa Libya na si Presidential
Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs Abdullah Mamao na tumungo at
maging tagapamagitan sa lalayang pitong seamen.
Ito rin umano ay ayon sa direksyon ni Pangulong Rodrigo
Duterte upang personal na makapagpasalamat sa Libyan government at isabay na
iuwi ang mga kababayan pabalik ng bansa.
"The DFA welcomed the acquittal of the Filipino workers
and the Philippine Embassy in Tripoli is now coordinating with the Libyan
authorities for the repatriation of the seafarers," aniya ng DFA sa isang
pahayag.
Nakipagkoordinasyon na umano si Mamao kay Libyan Foreign
Minister Taher Siala sa Tripoli nitong Linggo kung saan ipinarating ni Mamao sa
isang sulat kay Locsin na kumpirmado at tuloy-tuloy na ang pag-aasikaso ng mga
papeles sa paguwi ng mga Pinoy sa mga susunod na araw.
Ang pitong(7) seamen ay kasama sa dalawampung(20)
tripulanteng Pinoy na miyembro ng Liberian-flagged oil tanker MV Levante na
napasama sa kustodiya ng Libyan Coast Guard noong Agosto 2017 na di umano'y
sangkot sa ilegal at palihim na pag angkat ng langis na kontrabando.
Dagdag pa rito, sila ay naakusahan na di umano'y nagtangkang
mag angkat ng anim na milyong litro ng langis habang nasa loob ng nasabing barko.
Ang pitong seamen na nakatalaga bilang mga tagapamahala sa
nasabing barko ang nasintensyahan ng apat na taong pagkakakulong noong
Nobyembre 2018 at ang labing-tatlo sa kanila ay napalaya noong Pebrero ng
nakaraang taon.
7 seamen na nakulong sa Libya, Uuwi na ng Bansa
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
3:31 AM
Rating:
Post a Comment