Mister na pinagpalit umano ng asawang Ofw sa Pakistano, nanghingi ng tulong kay Tulfo
Dismayado
at mangiyak ngiyak na lumapit ang isang mister sa programang Raffy Tulfo in
Action nang di umano ay niloko at pinagpalit siya ng kanyang misis sa isang
Pakistano.
Ang mister na hindi pinangalan ng programa ay umaasang
maipa-deport ang kanyang misis na si Maria Teresa Espiritu na ofw sa Oman dahil
sa di umano'y may kasintahan na itong Pakistano.
Nagpatunay sa mga akusasyon ng mister ang mga larawan ng
kanyang misis na kasama ang Pakistano na magkatabi, magkadikit, magkaakbay at
naka-holding hands pa.
Ayon pa sa source ng mister, may mga sweet text messages din
itong naipakita na sulat mula mismo sa kanyang misis. Isinantabi niya ring
pangalanan ang taong pinagmulan ng mga larawan na nagsiwalat ng pagtataksil ng
kanyang asawa.
Mariin namang itinanggi ng misis ang mga akusasyon ng
kanyang mister kahit may mga pinakita nang nai-print na larawan na ibinigay
mismo kay Raffy Tulfo.
Aniya ni Maria, "Matagal na po iyan, marami kasing
naninira sa akin, ni hindi nga kami nakakalabas dito, wala nga rin kaming off
dito."
Pinabulaanan naman ng mister ni Maria ang mga paliwanag ng
kanyang misis dahil aniya ay hindi na niya ito matawagan sa cellphone at miski
sa facebook account ng asawa ay naka-blocked pa siya.
Dagdag pa niya ay naapektuhan na ang kanilang mga anak sa
ginawa ng asawa at kapwa ring nakikiusap na bumalik na ang ina sa Pilipinas.
Patuloy namang nagmamakaawa ang mister kay Tulfo upang
mapawalang bisa ang visa ng kanyang asawa at makauwi na sa kanilang pamilya.
"Nabenta ko na po lahat ng gamit namin para makapunta
lang dito. Yung motor ko binenta ko ng six thousand lang para makapunta
dito." sabi niya habang tumatangis.
Dahil sa ebidensyang nakalap at sa masinsinang
pakikipag-ugnayan ng action center ng programa sa mag asawa ay patuloy pa ring
ipino-proseso ang kalalabasan ng mangyayaring deportation ni Maria sa Oman
pabalik ng Pinas.
Mister na pinagpalit umano ng asawang Ofw sa Pakistano, nanghingi ng tulong kay Tulfo
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
7:31 AM
Rating:
Post a Comment