Ads

Bahay kalinga para sa mga migranteng OFW na nakaranas ng kalupitan, inilunsad sa London

Naglunsad nitong Marso ang embahada ng Pilipinas sa London ng isang bahay kalinga na pansamantalang tutuluyan ng mga migranteng overseas Filipino workers (OFW) na nakaranas ng kalupitan mula sa kanilang pinagtatrabahuan.

Sa pangunguna ng kumakatawan sa embahada na si Ambassador Antonio M. Lagdameo at ng mga kawani mula sa London's Filipino community, isinapubliko na nila ang tahanan na maaring tuluyan ng mga OFW na tinawag nilang 'the Migrant Workers and Other Overseas Filipino Workers Resource Center' (MWOFRC).



Ayon kay Lagdameo, ang layunin ng pagbuo ng ganitong klaseng pasilidad ay upang mapunan at masuportahan ang mga trabahanteng Filipino na mayroong hinaharap na problema sa pamamalagi sa United Kingdom (UK).

“Upholding the rights and welfare of Filipinos in the UK and Ireland is one of the Embassy’s utmost priorities,” sabi niya.

“The establishment of this resource center underscores how seriously we take our commitment to ensure the safety and security of all Filipinos under the Embassy’s jurisdiction,” dagdag niya.

Ito din umano ang kauna-unahang resource center ng mga Filipino sa London, sa pangunguna nina Philippine Labor Attaché Amuerfina Reyes and Polo Welfare Officer Marie Consolacion Marquez.

Ayon sa kanila ay binuo ang 'action shelter' na ito upang may agad na matutuluyan ang mga kababayan na tumakas mula sa mapang-abusong amo na kadalasan ay kinahaharap ng karamihan sa mga OFW.

Bukod sa pagiging pansamantalang tuluyan, ang MWOFRC ay daan din umano upang mapayuhan at mabigyan ng tamang counselling ang mga biktima ng kalupitan.

Para mas maging produktibo at mapanghikayat sa mga kababayan, nagbibigay din ito ng libreng 'skill training' mula sa pangunguna ng Philippine Overseas Labor Office–Overseas Welfare Workers Administration (Polo-Owwa).

Matatagpuan ang MWOFRC malapit sa North Acton tube station sa London.

Ang pasilidad na ito ay naglalaman ng mga basic functional amenities kung saan magiging komportable ang mga tutuloy dito, dagdag pa ang mga benepisyong makukuha nila sa pananalagi.

Ang pangangalaga sa mga pasilidad at ang mga libreng training ay nasa pamamahala umano ng Polo-Owwa.

"The Migrant Workers and Other Overseas Filipinos Resource Center will serve not only as a temporary refuge for migrant workers who may be in distress, but it will likewise be a center for their empowerment through skills enhancement programs, deepening of their understanding of their rights and obligations as workers, and engaging them in productive undertakings, among others," ani Reyes.

Pinangunahan ni Ambassador Antonio M. Lagdameo at Philippine Labor Attaché Amuerfina Reyes ang ribbon cutting ceremony ng umano'y bahay kalinga ng mga migranteng Filipinong trabahador nito lamang Marso 10, 2019.
Bahay kalinga para sa mga migranteng OFW na nakaranas ng kalupitan, inilunsad sa London Bahay kalinga para sa mga migranteng OFW na nakaranas ng kalupitan, inilunsad sa London Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 2:17 PM Rating: 5

No comments

Post AD