Proyektong "English for All' ng Thailand, target ipatrabaho sa mga guro sa Pilipinas
Bumubuo ngayon ng proyektong 'English for All' ang Kingdom
of Thailand para hasain sa ingles ang mga batang mag-aaral sa Bangkok at ang
target nilang kuning magtuturo ay ang mga guro sa Pilipinas.
Ayon kay Secretary to the Minister of Education of Thailand
M.L. Pariyada Diskul, mataas ang kanilang pagkilala sa mga Filipinong guro
dahil sa ipinamamalas nitong galing sa pagtuturo ng wikang ingles.
“Your teachers are very diligent and blend in well with our
culture,” sabi niya.
Sinabi pa niyang target nilang tumanggap ng paunang dalawang
daang (200) mga guro sa Pilipinas sa pasimula ng kanilang programa.
Ang 'English for All program' na kanilang isinusulong ay
malaking tulong umano sa mga batang mag-aaral na matuto ng ingles kahit sila ay
nakatira sa rural na parte ng kanilang bansa.
“We want to recruit Filipino teachers to be placed in the
Eastern Economic Corridor (EEC) government schools, which are the three
provinces in the eastern side of Bangkok to upgrade the English competencies of
the children in that area. I hope this will be the beginning of many other
projects to come," dagdag ni Diskul.
Kamakailan ay nagpatawag ng isang inter-agency meeting si
Thailand Minister of Education Dr. Teerakiat Jareonsettasin para pag-usapan ng
Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng International Cooperation
Office (ICO) nito at ng Minister of Education of Thailand ang mga detalye ng
umano'y 'big project' ng Thailand para sa mga guro ng Pilipinas.
Ayon kay DepEd secretary Leonor Briones ay nagresulta umano
ang pulong ng isang Memorandum of Agreement (MOA) tungkol sa
government-to-government hiring ng mga kababayang Filipino.
Samantala, kinumpirma rin ni Briones na marami nang Filipino
teachers ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Thailand at ang iba pa umano ay
mayroon lamang tourist visa na nagkakaroon na rin ng trabaho ngunit aniya niya
ay hindi siya kampante sa datos.
“It’s not a plan, it’s not a policy proposal, it is an existing
situation and if we can think, we can agree on a better way by which we can
protect the Filipinos and at the same time, the Thai government, because it’s
not able to regulate and it’s not able to keep track of all Filipinos who
come,” she explained.
Para mapangalagaan ang kapakanan ng mga matatanggap na mga
guro, magbibigay rin umano sila ng mga benepisyo ayon sa inilatag na kasunduan, bukod pa rito, layon din nilang
magkaroon ng “improve and promote” ng international professional exchanges sa
pagitan ng dalawang bansa sa bisa ng MOU.
Kaakibat ng pangangalaga sa kapakanan at karapatan ng mga
matatanggap na guro, sinabi rin ni
Briones na makikipag-ugnayan sila sa Professional Regulation Commission
(PRC), Commission on Higher Education (CHED),Philippine Overseas Employment
Agency (POEA), Overseas Workers Welfare Agency (OWWA), Department of Labor and
Employment (DOLE), and the Department of Foreign Affairs (DFA).
Ang programa ay nakaayon rin umano sa batas, regulasyon at
probisyon na sinusunod ng dalawang bansa.
Lubos naman ang pasasalamat ni Briones sa inisyatibong
pinalawig ng Thailand, hindi lamang sa pagtulong sa mga gurong Filipino kundi
para mas mapatibay pa ang ugnayan ng Pilipinas sa kanilang bansa.
Proyektong "English for All' ng Thailand, target ipatrabaho sa mga guro sa Pilipinas
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
6:20 AM
Rating:
Post a Comment