Ads

Japan, magbubukas ng 100,000 trabaho para sa mga Filipino


Target ngayong Abril 2019 ng Japan na magbukas ng 100,000 na trabaho ekslusibo para sa mga Filipino ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, pinakamakikinabang ang mga Filipino sa bubuksang 350,000 na trabaho ng Japan sa mga dayuhang trabahador.

"Mas pinapaboran ang mga Filipino workers kaya maaaring maibigay sa mga Filipino ang nasa 100,000 o 30 posyento ng mga bakanteng trabaho," ani Bello sa panayam ng Super Radyo dzBB,  GMA News.



Sa ngayon ay nakatakda nang lagdaan ng Labor Secretary bukas (Martes) ang memorandum of cooperation kabilang ang mga kumakatawan sa kawani ng Japan pagdating sa justice, foreign affairs, health, labor and welfare, and national policy agency.

"Needed labor skills that Japan may need will be laid down in the memorandum of cooperation," dagdag ni Bello.

Sinabi rin niya na ang 100,000 na kukuning Filipinong trabahador ay magmumula sa iba't ibang hanay ng kasanayan sa trabaho.

Ang mga nabanggit na ekspiryensiya ay ang mga trabaho na may kinalaman sa health care, building maintenance, food services, industrial machinery, electronics, food manufacturing, agriculture, hospitality, construction, shipbuilding, at fisheries.

Ayon sa patakaran ng Japan, kailangan umanong maipasa ng aplikante ang technical at language skills examination upang maging ganap na manggagawa sa Japan.

Ang mga papasang skilled workers sa exam ay mabibigyan ng residence status bilang 'specified skilled worker' ng pamunuan ng Japan.

Karamihan umano sa in-demand jobs na kailangan ng Japan sa ngayon ay may kinalaman sa healthcare, maintenance, food services, electronics, agriculture at construction.
Japan, magbubukas ng 100,000 trabaho para sa mga Filipino Japan, magbubukas ng 100,000 trabaho para sa mga Filipino Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 7:17 AM Rating: 5

No comments

Post AD