Bong Revilla, tuloy ang planong magpagawa ng ospital para sa mga OFW at pamilya nito
Ang nagbabalik na kandidato sa pagkasenador na si Bong
Revilla Jr. ay tiniyak sa publiko na tuloy ang plano niyang pagpapagawa ng
sariling pampublikong ospital para sa mga overseas Filipino workers (OFW) at sa
kanya-kanya nitong pamilya.
Aniya ni Revilla, matagal na niya umanong prayoridad ang
pagbuo ng sariling ospital para sa mga kababayang OFW na tinawag niyang mga
'bagong bayani' ng henerasyon.
"Mayroon tayong Veterans' Hospital para sa ating mga
buhay na bayani. Bakit wala tayong OFW Hospital para sa mga bagong
bayani?," sabi niya sa isang talumpati habang nagkakampanya ang partidong
Hugpong ng Pagbabago.
"We should give equal care and importance to our modern
day heroes," mariin niyang sinabi.
Ang pagbuo umano nito ay pagkilala na rin sa sipag, tiyaga
at pagtitiis ng maraming OFW ng ilang taong nagtrabaho para sa kanilang
pamilya.
"Maging ang mga OFW na hindi nakapag-ipon ay tila nabalewala ang pagsisikap sa ibang
bansa dahil maging sila ay nakapila kung saan-saang hospital para
makapagpagamot lamang ng libre," ani Revilla.
Kung bibigyan siya umano ng pagkakataon makaupo sa pwesto ng
pagkasenador ngayon darating na halalan ay kanyang gagawing unang prayoridad ang
nasabing proyekto.
Target umano ng mayayaring ospital ang madaliang confinement
at medical procedures para sa mga OFWs maging sa kanilang mga pamilya na
tutugunan ng mga bisaha at ekspertong mga doktor.
Kanya ring inalala ang kaso ni Baby Jane Allas na tinanggal
sa trabaho sa Hongkong dahil sa sakit nitong stage 3 breast cancer at ngayon ay
naghahanap ng paraan sa kanyang paggaling.
"Kitang kita ang pangangailangan sa programang
ito," sabi niya.
Ang OFW Hospital base sa kanyang pagpapahayag ay magbibigay
ng kalidad na serbisyong medikal at ang medikal na pamamaraan umano ay
makakamtan sa mismong state-of-the-art facility at equipment nito. Sa tulong ng
gobyerno, maari umanong gawing libre ito para sa lahat depende na rin sa lubha
ng sakit ng pasyente.
Sinabi pa niya na sa milyun-milyong OFWs sa mundo, ang
kanyang plataporma ay isang pangarap para sa isang pamilyang OFW na
matutulungan nito.
"Kailangan natin ipakita ang ating pasasalamat sa ating
mga OFW. We owe them that much," dagdag niya.
Si Revilla ay kilala bilang isang lingkod bayan sa ilang
taon niyang panunungkulan sa senado kung saan nakapagpatupad na rin siya ng
iba't ibang health legislations.
Bong Revilla, tuloy ang planong magpagawa ng ospital para sa mga OFW at pamilya nito
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
7:09 AM
Rating:
Post a Comment