Pulis sa NAIA, nagbabala sa mga OFW na pauwi sa bansa na mag-ingat sa Budol-Budol at Salisi Gang
Nagbabala sa mga Overseas Filipino workers (OFW) na pauwi ng
bansa ang nakatokang pulis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na
maging maingat at mapagmatyag sa modus operandi ng Budol-Budol at Salisi Gang.
Ito umano ay dahil sa parami ng paraming mga kaso na
naitatala araw-araw, partikular na sa terminal 3 ng nasabing paliparan.
Sa isang facebook post, ipinahayag ni Florenz Water Spears,
isang pulis mula Aviation Security Terminal 3, Police Station ang kanyang
paalala sa mga OFW na galing Middle East na lilipad pauwi ng Mindanao na huwag
basta-bastang magtitiwala sa mga taong mapang-abuso na hindi kakilala.
"PAALA-ALA: Sa mga minamahal naming manlalakbay sa
ating Paliparang Ninoy Aquino International Airport Terminal 1,2, 3 at 4, lalo
na sa ating mga kapatid na Muslim na galing sa Middle East, at pauwing
Mindanao, wag po tayong maniwala sa mga di natin kakilala na nakikipag-usap sa
atin," ayon sa kanya.
"Sunod sunod po ang insidente ng SALISI at BUDOL-BUDOL
dito sa Terminal 3," dagdag pa niya.
Aniya pa ni Florenz, ang modus ng mga taong ito ay hikayatin
umalis ang mga OFW na kakalapag pa lamang sa bansa habang ito ay naghihintay ng
flight papuntang Mindanao.
Ang gagawin umano ng suspek ay kakausapin niya ang biktima
at kukunin ang tiwala para sumama sa kanya magshopping at magpasalon.
Kapag nakita ng suspek na naaliw na ang biktima sa
pagkakomportable nito ay pagkakataon na niyang kunin ang mga bagahe nito.
"Ang modus po nila, nakikipag kaibigan at kunyari
kasabayan mo sa flight mula Middle East, at uuwi din ng Mindanao na pareho kayo
ng point of destination para madaling makuha ang iyong tiwala. Medyo matagal pa
ung flight pauwi ng Mindanao kya aayain ka muna niya lumabas, pumunta ng salon
o mag shopping..Pagka medyo nag relax ka na sa salon dahil nagpapalinis ka ng
kuko o nagpapagupit ka, tatangayin na niya lahat ung dala mo, kasama Passport,
kahit pamasahe walang maiiwan sayo," aniya ni Florenz.
"Kung mag shopping naman, pipilitin ka nyang magsukat
ng kahit ano damit o pantalon para may chance siyang itakas ang mga gamit mo
pagka pasok mo ng fitting room," dagdag niya pa.
Ayon pa kay Florenz, karamihan na sa kanilang naitalang
biktima ng modus operandi na ito ay ang mga kababayang muslim.
Pinaabot niya sa facebook post sa publiko ang kanyang
panawagan patungkol dito at ito ay umani ng iba't ibang reaksyon.
Sa ngayon ay nagsagawa na umano ng campaign drive ang mga
miyembro ng kanilang grupo ng kapulisan para balaan ang mga kababayang
manlalakbay upang maiwasang maging biktima ng mga taong mapanlinlang.
Pulis sa NAIA, nagbabala sa mga OFW na pauwi sa bansa na mag-ingat sa Budol-Budol at Salisi Gang
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
10:39 AM
Rating:

Post a Comment