Filipina maid na ni-rape sa Saudi, pinatay umano ang sanggol, hahatulan ng death penalty
Isang Filipina housemaid ang ni-rape sa Kingdom of Saudi
Arabia matapos niya umanong patayin ang sanggol na pinagbubuntis at ngayon ay
nahaharap sa kasong infanticide na may katumbas na hatol na death penalty.
Ngunit, umaasa ang kawani ng embahada ng Pilipinas na
magkaroon ng palugit ang kanyang kaso dahil aniya ng Pinay ay mayroon siyang
'post-natal depression.'
Ang 'post-natal depression' o mas kilala sa tawag na postpartum
depression ay tumutukoy sa pagkadama ng panlulumo matapos manganak.
Maaaring makadama ng panlulumo pagkatapos manganak, makunan
o pagkatapos na ilaglag ang sanggol.
Ayon sa Office on Women’s Health ng Department of Health and
Human Services ng Estados Unidos, iba’t iba ang tindi ng mga sintomas, ngunit
kadalasan ay nakakaranas ng bahagyang pagkalungkot, pagkabalisa, pagkamainisin,
pagkamasumpungin, at pagkapagod.
Isang kinatawan ng grupo ng Kaagapay ng Bawat OFW Advocates
na si Gerwin Sundungan ang nagpaabot ng pag-alala nang malaman na may isang
Pinay ang naaresto sa Jeddah at di umano'y haharap sa kasong imoralidad at
infanticide.
Ayon kay Sundungan ay agad niyang idinulog ang kaso ng Pinay
sa konsulado ng Pilipinas.
Isiniwalat ni Vice Consul Lemuel Lopez na nabuntis ang Pinay
matapos itong i-rape ng isang dayuhang nagtatrabaho doon bilang on-call driver
ng kanilang empleyado.
Dahil sa takot ng Pinay na gantihan siya umano ng lalake ay
itinago niya ang ginawa sa kanya at hindi na nagbakasakaling magsumbong sa
kanilang amo.
Itinago rin niya ang kanyang pagbubuntis dahil sa takot na
magalit ang kanyang amo at tanggalan siya ng kontrata.
Ngunit, nito lamang Pebrero ay nakita siya ng kanyang
babaeng amo na nanganganak ng patago sa kanyang kwarto.
Ayon sa amo ay umalis siya nang kanyang makita ang ginagawa
ng katulong para ipaalam sa kanyang mga anak, ngunit pagkabalik nila ay
nakabalot na umano ang sanggol sa isang tela at nakalagay pa sa loob ng plastic
bag.
Itinakbo pa umano nila ang sanggol sa ospital ngunit sa
kasamaang palad ay nabawian na ito ng buhay.
Hahatulan ang Pinay ng death penalty sa kasong infanticide
sang-ayon sa batas ng Saudi Arabia.
Ngunit umaasa si Lopez na bumaba ang kanyang parusa dahil sa
naranasan nito.
"The charges might be dropped if it could be proved
that the domestic worker had suffered from postnatal depression," sabi
niya.
Nagpaalala naman si Lopez sa iba pang Filipino overseas
workers (OFW) na ipaalam o i-report kaagad sa mga awtoridad kung nakakaranas ng
sekswal na panghahalay o rape.
Filipina maid na ni-rape sa Saudi, pinatay umano ang sanggol, hahatulan ng death penalty
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
8:19 AM
Rating:
Post a Comment