Mga OFW na positibo sa HIV, tumaas ng 33℅ ngayong taon
Pumalo na sa ganap na siyamnapu (90) na OFW ang nadiagnose
sa sakit nitong Enero 2019 na kung ikukumpara sa nakaraang taon na kaparehong
buwan ay umabot lamang sa animnapu't walo (68) ang naitala.
Kung kaya't paliwanag ng partido, tumaas ng 33% ang nahawaan
ng virus ngayong Enero na ang sumatotal na bilang sa kanilang talaan ay umabot
na ng 6,345.
“The January cases brought to 6,345 the cumulative number of
OFWs found living with HIV since the government began passive surveillance of
the virus in 1984,” ani ng kinatawan ng ACTS-OFW na si Aniceto Bertiz III.
Sa 6,345 OFW, walumpu't anim (86) porsyento na may bilang na
5,471 ang lalaki na may median age na 32 ang naitalang may pinakamaraming kaso.
Ang natirang labing anim (16) porsyento na may bilang na 874 ay mga babae naman
na median age ay 34 na edad at may mas mababang bilang.
Ayon sa mga impormasyong nakalap, nasa pitumpu't dalawang
(72) porsyento o 2,283 ang naitalang bilang mula sa 'male-to-male sex' na sanhi
ng pagkahawa ng mga biktima.
Nasa dalawampu't walo (28) porsyento o 1,651 naman ang
bilang ng pagkakaroon ng HIV mula sa pakikipagtalik ng magkaibang kasarian.
Ayon pa kay Bertiz, ito umano ay nasa 10 porsyento ng 63,278
kaso ng HIV sa bansa na nasa listahan ng National HIV/AIDS Registry.
Sinabi pa niya na noong Enero 25, 2019 ay naging epektibo na
ang bagong AIDS Prevention and Control Law kung saan nararapat na bigyan ng mas
maayos na suporta ang mga nahawang OFW.
“Under the law, the economic, social and medical support is
to be extended to all OFWs, regardless of employment status and stage in the
migration process,” ani Bertiz.
Hinikayat rin niya ang Department of Labor and Employment
(DOLE) na magpaabot ng suporta sa palaki nang palaking populasyon ng mga
kababayan nating OFW na may HIV.
Samantala, isa umanong 'requirement' para sa mga OFWs ang
makilahok sa mga state-sponsored seminars patungkol sa HIV-AIDS awareness.
“The preventive education seminar is to be provided for free
and at no cost to OFWs or to the staff concerned," dagdag pa niya.
Mga OFW na positibo sa HIV, tumaas ng 33℅ ngayong taon
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
7:45 AM
Rating:
Post a Comment