Ads

Perang Padala ng mga OFW sa bansa, lumago ngayong taon ayon sa BSP


Sa nilabas na bagong datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumago umano ng 3.4 posyento ang perang pinapadala o money remittances ng mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW) sa bansa pagpasok ng taong 2019.

Ayon kay BSP Governor Banjamin Diokno, ang 3.4 porsyento ay galing sa personal remittances ng mga OFW noong Enero 2019.

Mula sa $2.66 billion ay tumaas sa $2.75 billion ang OFW remmittances.



Ang mga land-based OFWs na may kontrata sa isang employer o higit pa ay nakabahagi na umano ng 2.3 posyento o $2.12 billion mula $2.07 billion noong nakaraang taon.

Pumalo naman ng 12.6 percent o $580 million mula $520 million ang remittance ng mga sea-based OFWs na wala pang isang taon ang kontrata.

Dagdag tala pa ng BSP, tumaas din ang online banking money transfers ng mga OFW ng 4.4 porsyento o $2.48 billion mula $2.38 billion.

Ayon sa BSP, magandang senyales ang paglago ng remittance ng mga OFW dahil mas naiaangat nito ang ekonomiya ng bansa.

"High OFW remittance keeps economy afloat," ani  Diokno.

Kamakailan ay inaprubahan ng Kongreso ang OFW remittance protection bill kung saan mayroong limampung porsyentong diskwento (50%) ang mga kababayang nagpapadala ng pera papunta sa kani-kanilang pamilya.

Ang House bill 9032 na kilala bilang “Overseas Filipino Workers (OFWs) Remittance Protection Act” ay inilathala ang partidong ANGKLA sa pangunguna ni Jesulito Manalo na naglalayong tulungan ang mga OFW na magbawas ng charge sa kanilang ipinapadalang pera sa bansa.

"The measure has been proposed to ensure that more remitted funds land in the pockets of OFW beneficiaries in the Philippines," ayon sa nakasaad sa panukala.

Samantala, inihayag rin ng datos ng BSP na ang Estados Unidos ang nagtala ng 35.5 percent kung saan ito ang may pinakamataas na share sa overall remittance.

Sumunod naman ang Saudi Arabia, Singapore, United Kingdom, United Arab Emirates, Japan, Canada, Qatar, Hong Kong, at Kuwait kung saan lumago rin ang padala ng mga kababayang OFW.
Perang Padala ng mga OFW sa bansa, lumago ngayong taon ayon sa BSP Perang Padala ng mga OFW sa bansa, lumago ngayong taon ayon sa BSP Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 10:00 AM Rating: 5

No comments

Post AD