Pinay domestic helper sa HK, nangalap ng tulong matapos alisin sa trabaho ng amo dahil sa cancer
Isang Pinay domestic helper sa Hongkong ang ngayo'y
nasa gitna ng kagipitan nang alisin ng kanyang amo sa trabaho matapos malaman
na ito ay may cervical cancer.
Isang single mother ang 38-anyos na si Baby Jane Allas na
may umaasang limang anak sa Pilipinas at tanging ang pagtatrabaho sa ibang
bansa ang kanyang sandigan upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.
Ayon sa kanya ay tiniis niya ang kalupitan ng kanyang
Pakistaning amo na bibihira siyang payagang mag day-off at di umano ay tira
tira lamang ang pinapakain sa kanya.
Dagdag pa niya ay pinapatulog lamang siya nito sa maliit na
storage room ng bahay.
"Kung tutuusin kaya ko pagtiiisan lahat para sa pamilya
ko kasi siyempre mahirap ang buhay natin sa Pilipinas lalo na sa amin sa
Palawan,” ani Baby Jane.
Credit Image: https://www.canvos.ai/press-release-april-24th-2018/
Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari noong Enero 2019
ay na-diagnose si Baby Jane ng Stage 3 cervical cancer.
Nang malaman ng kanyang amo ang kalagayan noong Pebrero ay
walang pakundangan siyang tinerminate at inalisan pa ng kontrata nito.
Bukod sa pagkakasibak sa trabaho, inalisan din siya ng
health insurance card na kanyang tanging inaasahan na makakatulong sa
pagpapagamot.
Ngunit lingid sa hirap na dulot ng kanyang sakit ay mas
pinagtutuunan niyang pansin ang hirap ng kalagayan ng kanyang mga anak na
walang pantustos sa Pinas.
“Yung cancer andiyan na 'yan di ko na matatanggal pero 'yung
bituka ng mga anak ko hindi ko maano kahit may kanser ako gusto ko kahit paano
tapusin kontrata ko kahit may sakit ako kung 'di dahil sa kapatid ko hindi ako
magpapa-check up,” mariin niyang sinabi.
Sa ngayon ay pansamantalang nakikituloy si Baby Jane sa
kanyang kapatid na si Mary Jane na kapwa ring domestic helper sa Hongkong.
Inalok din umano ng amo ni Mary Jane na kuning DH ang kapatid ngunit ayon sa
batas ng Hongkong ay mariing ipinagbabawal na magkaroon ng bagong kontrata ang
taong may karamdaman tulad ng malalang sakit na cancer.
Dahil sa bukal na pagtanggap at pagtulong ng amo ni Mary
Jane sa kapatid ay namuno pa umano ito ng isang fund raising campaign sa Get Go
funding na sa ngayo'y nakakalikom na ng HK$391,000 o nasa mahigit Php 2,600,000
na.
Patuloy pa rin ang pangangalap ng pondo para kay Baby Jane
dahil nasa HK$1,000,000 pa o mahigit Php6,700,000 pa ang kailangan para sa
kanyang tuluyang paggaling.
Bukod pa rito, sinabi ni Baby Jane na nais niyang magpagamot
sa Hongkong sapagkat hindi siya aniya kumpiyansa na gagaling siya sa pampublikong
ospital sa Pinas.
Samantala, nagsampa na ng reklamo si Baby Jane sa Labor
Department ng Hong Kong at pinayagan siyang i-extend ang visa habang patuloy na
nililitis ang kanyang kaso.
Pinay domestic helper sa HK, nangalap ng tulong matapos alisin sa trabaho ng amo dahil sa cancer
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
5:50 AM
Rating:
Post a Comment