OFW sa SAUDI ARABIA, Patay Umano sa Suicide; Misis ng Biktima Sinabing may Foul Play
Ang asawa ng biktima na si Gilda Merced Dayanan ay pinahayag
sa GMA news ang nangyari sa asawang si Roger Dayanan na ilang araw na umanong
nakakatanggap ng death threats bago pa man ito umanong magpakamatay.
Sinabi pa nito na alam niya ang gagawing pagpapakamatay ng
asawa dahil sa mga pahiwatig ng mismong kaibigan at kasamahan nito sa trabaho.
Ngunit sa kanyang pagkakakilala sa asawa ay hindi siya naniwala na kaya nitong magpakamatay.
Ipinahayag ni Gilda na noong Martes, kinabukasan bago
mangyari ang insidente ay nag video call pa silang mag asawa at wala naman
umanong kahina-hinala sa mga kilos ng asawa.
“Tinawagan ko yung mobile phone niya (Roger) alas-dose
(Miyerkules) dahil tuwing alas dose ay magkatawagan kami. Ring lang ng ring ang
cellphone nya, hindi nya sinagot," ani ni Gilda.
"May number ako sa kasama niya na si Donato. Nag-text
ako, sabi ko saan ba si Roger, bakit 'di nya sinagot tawag ko? Nag-text back si
Donato at sinabi niyang nagbigti daw si Roger," sinabi pa nito.
Aniya pa niya ay may naganap na foul play at hindi sadya ang
pagpapakamatay ng kanyang asawa.
Ipinahayag niya na may sinabi ang kanyang asawa sa kanya bago
ito mamatay tungkol sa dayuhang kasamahan nito sa trabaho na sa kanyang
pagkakatanda ay Riyad ang pangalan at di umano'y pinagbabantaan nito ang buhay
ni Roger.
“Hindi po ako naniniwala na nagpakamatay ang asawa ko, may
foul play 'yan sir. Sabi ng mister ko sa kin ang pangalan na Riyad na nagbanta
sa kanya na papatayin sya” ani Gilda.
Sinabi pa nito na may nadiskubreng anomalya at ilegal na
aktibidad ang kanyang asawa mula sa mga kasamahan nito sa bukid na
pinagtatrabahuan nila. Aniya pa niya ay mula nang may malaman ang kanyang asawa
ay hindi na ito tinitigilan ng mga kasamahan na bigyan ng death threats at
maging ang mga ginagawa nito ay kanila umanong mino-monitor.
Sabi pa ni Gilda na pinaalam sa kanya ng asawa ang mga
pagbabanta ng mga kasamahan nito mula pa noong Pebrero 2019 at maging ang
kanilang pagtatawagan ay mino-monitor di umano ng mga sangkot na kasamahan.
Para maaksyunan ang mga pagbabanta ay mismong si Roger na
ang sumangguni sa Kaagapay ng Bawat OFW Advocates group.
Ayon sa grupo ay agad din naman nilang dinulog ang kaso ni
Roger sa Assistance to Nationals office of the Philippine Consulate sa Jeddah.
Ngunit sa kasamaang palad ay nabawian na ng buhay si Roger
bago pa man ito tuluyang maaksyunan.
Upang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Roger ay sinabi
ni Vice Consul Lemuel Lopez, ang head ng Assistance to Nationals of consulate
na isinangguni na nila ang kaso sa mga awtoridad ng Saudi at maging sa mismong
amo ng biktima.
“We are suggesting to the family to have an autopsy conducted
kasi ang proseso ng awtopsiya sa Saudi ay hindi automatic most especially sa
mga suspicious deaths so we have to ask the ministry of foreign affairs,"
ani Lopez.
Dagdag pa niya ay magkakaroon ng masinsinang imbestigasyon
sa kaso upang malaman kung may foul play ngang nangyari na ikinamatay ng
biktima sa insidente.
OFW sa SAUDI ARABIA, Patay Umano sa Suicide; Misis ng Biktima Sinabing may Foul Play
Reviewed by RAKETIRONG PINOY
on
8:44 AM
Rating:
Post a Comment